KABABAIHAN TUNGO SA PAG-UNLAD
Ang mga kababaihan ay may kani-kanilang gampanin at tungkulin na dapat nilang gawin para sa kanilang sarili. Dahil sapanahon naman ngayon likas sa kababaihan ang gumamit ng Social Media. Dito nilalahad o pinapakita nila ang mga pangyayari sa kanilang buhay sa araw araw.
Ngunit ano nga ba ang gampanin ng kababaihan o papel sa Social Media na makatutulong o tutungo sa pag-unlad ng lipunan?
Bilang isang babae, dito masasabi ko na ang gampanin namin o ng mga kababaihan sa social media ay hindi lamang para sa pag-unlad ng lipunan, ngunit pati narin sa pag-unlad ng mga mamamayan lalong lalo na sa kapwa namin kababaihan. Kami ay may gampaning maihatid ang mga impormasyong aming nakalap ng may pagbabase. At ito ay ang mga impormasyon o balita na nababagay o naayon sa patakaran ng isang lipunan.
Ang Social Media naman, paano ito nakakatulong upang mapaunlad ang ating lipunan? Ito may pareho lamang sa gampanin ng mga babae bilang ang social media ang kanilang ginamit sa pagtulong, tungo sa pag-unlad ng lipunan. Ang Social Media ay isang teknolohiyang nakatutulong sa atin sa maraming paraan. Tulad na lamang sa pagbasa ng mga impormasyon na may katotohanan. Kung kaya nabibilang dito ang mga impormasyon tungkol sa kalamidad at mga krimen na nangyayari sa ating paligid. Sa paraang pagbasa, tayo ay may kakayahang makapag-isip ng maaring solusyon na magiging gabay para sa ikakaayos ng lipunan.
Ang mga kababaihan din ay may tungkulin o gampaning ipagtanggol ang kanilang kapwa kababaihan gamit ang Social Media. Samantala ito ay hindi lamang sa kababaihan, ito ay pati na rin sa mga kalalakihan o ano mang kasarian meron ang isang tao basta ito ay napapalagay sa tama.
Ang mga gampaning ito ay tunay na makapagpaunlad sa lipunan. Ito ay dapat na maipalaganap, bagkus ito ay importante at may malaking tulong sa bawat buhay ng mga mamamayan at lalong lalo na sa lipunan.
Comments
Post a Comment