KABABAIHAN TUNGO SA PAG-UNLAD
Ang mga kababaihan ay may kani-kanilang gampanin at tungkulin na dapat nilang gawin para sa kanilang sarili. Dahil sapanahon naman ngayon likas sa kababaihan ang gumamit ng Social Media. Dito nilalahad o pinapakita nila ang mga pangyayari sa kanilang buhay sa araw araw. Ngunit ano nga ba ang gampanin ng kababaihan o papel sa Social Media na makatutulong o tutungo sa pag-unlad ng lipunan? Bilang isang babae, dito masasabi ko na ang gampanin namin o ng mga kababaihan sa social media ay hindi lamang para sa pag-unlad ng lipunan, ngunit pati narin sa pag-unlad ng mga mamamayan lalong lalo na sa kapwa namin kababaihan. Kami ay may gampaning maihatid ang mga impormasyong aming nakalap ng may pagbabase. At ito ay ang mga impormasyon o balita na nababagay o naayon sa patakaran ng isang lipunan. Ang Social Media naman, paano ito nakakatulong upang mapaunlad ang ating lipunan? Ito may pareho lamang sa gampanin ng mga babae bilang ang...